apir! by Bob Ong

12:22 AM

Sawang-sawa ka na ba sa mga "Friends" na hindi mo naman kilala? Sa pagla-"Like" ng mga walang kwentang post at pag-"Hehe" sa mga comment na hindi naman nakakatawa? Sa mga taong puro lang pa-picture sa Eiffel Tower, Stonehenge, at Statue of Liberty; puro Tweet kung saang... restaurant sila nagka-kape, saang conference sila galing, at ano ang pinakabagong application sa iPhone nila; at puro update kung gaano ka-cute ang pang-siyam nilang panganay, kung ano ang suot ngayon ng chihuahua nila, o kung gaano kasalimuot ang "It's Complicated" nilng relasyon? Sa mga litratong walang kinalaman sayo pero naka-"Tag" ka? Sa mga video ng taong naputol ang katawan, sumabog ang ulo, at lumuwa ang bituka? Sa hindi maintindihang shoutout ng mga Jejemon at hindi maunawaang status update ng mga emo na kulang sa pansin? Sa Friend Requests, Friend Suggestions, Page Suggestions, Pokes, Events, Links, Mafia, Farm, Dog, Fish, Cat, at Zoo na aksaya lang naman talaga ng pera, oras, lakas, at bandwidth? Sawang-sawa ka na ba??? Kung hindi pa, apir! Yo da man.

- I really love reading Bob Ong note, korny banat, love quotes and messages but i don't consider myself a fan. Well, I would like just to give credit to this post of  Bob Ong, lets just say its a reality punch to those who love Social Networking Site like me...

Note: lol it is a confession I must say, am one of those who post and tweet non-sense stuff. hahaha i dont care... whatever my posts and tweets, its all about me and me alone... just read it, so i have so called readers..

You Might Also Like

1 comments